Pumunta sa nilalaman

Pinlandiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pinlandes)
Republika ng Finland
Watawat ng Pinlandiya
Watawat
Eskudo ng Pinlandiya
Eskudo
Awitin: Maamme
"Lupa Natin"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Helsinki
60°10′15″N 24°56′15″E / 60.17083°N 24.93750°E / 60.17083; 24.93750
Wikang opisyal
KatawaganPinlandes • Pines
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Alexander Stubb
Petteri Orpo
LehislaturaParlamento
Kasarinlan 
6 Disyembre 1917
15 Mayo 1918
17 Hulyo 1919
Lawak
• Kabuuan
338,145 km2 (130,559 sq mi) (ika-65)
• Katubigan (%)
9.71
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
Neutral increase 5,604,558 (ika-114)
• Densidad
16.4/km2 (42.5/mi kuw) (ika-213)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $335.760 bilyon (ika-59)
• Bawat kapita
Increase $59,869 (ika-24)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $305.689 bilyon (48th)
• Bawat kapita
Increase $54,507 (16th)
Gini (2022)26.6
mababa
TKP (2022)Increase 0.942
napakataas · 11th
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+2 (EET)
• Tag-init (DST)
UTC+3 (EEST)
Kodigong pantelepono+358
Internet TLD.fi, .axa, .eub

Ang Finland (Pinlandes: Suomi; Suwesya: Finland), Sa sarili nilang wika (Finnish) ang Finland ay tinatawag na Suomi[1] . opisyal na Republika ng Finland, ay bansang Nordiko na matatagpuan sa Hilagang Europa. Pinapaligiran ito ng Noruwega sa hilaga, Suwesya sa hilagang-kanluran, Rusya sa silangan, Golpo ng Botniya sa kanluran, at Golpo ng Pinlandiya sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 338,145 km2 at tinatahanan ng mahigit 5.6 milyong mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Helsinki.

Mula sa huling bahagi ng ika-13 siglo, naging bahagi ang Pinlandiya ng Imperyong Suweko sa bilang resulta ng Baltikong Krusadas. Nakuha ang bansa ng Imperyong Ruso sa Digmaang Pinlandes noong 1809, at naging awtonomong estado na binansagang Dukadong Maringal. Noong 1906, ito ang naging kauna-unahang estado sa Europa na nagbigay ng karapatang pagboto, at ang una sa mundo na inaprubahan ng pangkalahatang karapatang tumakbo sa pampublikong tungkulin. Kasunod ng Himagsikang Ruso ng 1917, idineklara ng Pinlandiya ang ganap nitong kasarinlan mula sa bagong Sobyetikong Rusya. Gayunpaman, nahati ito sa pagsiklab ng Digmaang Sibil sa pagitan ng Guwardiya Puti at Pula. Pagsapit ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kinalaban ng bansa ang Unyong Sobyetiko sa Digmaang Taglamig at Karugtong, at sa kalauna'y Alemanyang Nazi sa Digmaang Laponiya. Bagama't nawalan ito ng teritoryo, napanatili nito ang kasarinlan.

Noong 2013, ang populasyon ng Finland ay umabot na ng 5.5 milyon, at ang kalakhang bahagi nito ay naninirahan sa timugang bahagi ng bansa. Ito ang ikawalo sa pinakamalawak na bansa sa Europa. Mahigit 1.4 milyong katao ang nakatira sa Helsinki, ang kabisera nito, at sa mga nakapaligid na bayan nito.

Mula noong ika-12 siglo hanggang 1809, bahagi ng Sweden ang Finland. Naging bahagi naman ito ng ng Imperyo ng Rusya bilang isang Grand Duchy of Finland. Nagdeklara ng kalayaan ang Finland sa kasagsagan ng Himagsikan sa Rusya noong 1917. Lumaban ang Finland kapwa sa Unyong Sobyet noong 1939-1940 (Digmaan sa Taglamig) at 1941-1944 (Karugtong na Digmaan) at sa Alemanyang Nazi noong 1944-1945 (Digmaang Laponiya). Sumapi sa Mga Nagkakaisang Bansa ang Finland noong 1955, sa Unyong Europeo noong 1995.

Ang pangalang Suomi ng 'Finland' ay may hindi tiyak na pinagmulan, ngunit iminungkahi na ito ay may kaugnayang pinagmulan sa saame (ang Sami).[2][3] Sa pinakamaagang mga makasaysayang sanggunian, mula ika-12 at ika-13 siglo, ang terminong Finland ay tumutukoy sa baybaying rehiyon sa paligid ng Turku sa timog-kanluran ng makabagong Finland; kalaunan, ang rehiyong ito ay nakilala bilang Finland Proper upang itangi mula sa pangalan ng bansa na Finland.[4][5]

Noong ika-14 at ika-15 siglo, ang timog-kanluran (Eura at Turku), ang loob ng bansa (sa paligid ng Lake Päijänne), at ang timog-silangan (umaabot hanggang sa Lake Ladoga) na mga rehiyon ng makabagong Finland ay isinama sa nasasakupan ng Kaharian ng Sweden.[5] Ang buong lugar ay tinawag ng mga Scandinavians na Finlandia et partes orientales o Österland ("Silangang Lupain").[5] Ginamit ang terminong Österland hanggang ika-16 siglo.[6] Ang loob ng bansa ay kilala bilang Tavastia.[5] Pagsapit ng katapusan ng Gitnang Panahon, ang terminong Finland ay pinalawak upang sakupin din ang silangang bahagi.[7]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Salo, Unto (2004). Suomen museo 2003: "The Origins of Finland and Häme". Helsinki: Suomen muinaismuistoyhdistys. p. 55. ISBN 978-951-9057-55-2.
  2. Rossi, Venla: "7 väärinkäsitystä suomen kielestä". ["7 maling akala tungkol sa wikang Finnish"] Helsingin Sanomat. 11 Setyembre 2022. (sa Pinlandes).
  3. de Smit, Merlijn (17 Hunyo 2018). "De Vanitate Etymologiae. On the origins of Suomi, Häme, Sápmi". Academia.edu (sa wikang Ingles). Academia, Inc. Nakuha noong 6 Setyembre 2020.
  4. Salo, Unto (2004). Suomen museo 2003: "The Origins of Finland and Häme". Helsinki: Suomen muinaismuistoyhdistys. p. 55. ISBN 978-951-9057-55-2.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Maillefer, Jean-Marie (2000). "Finland". Mula sa Vauchez, André (pat.). Encyclopedia of the Middle Ages (sa wikang Ingles). Fitzroy Dearborn Publishers. pp. 546–547. ISBN 978-1-57958-282-1.
  6. Kirby 2006, p. 9.
  7. Meinander, Henrik (2020). History of Finland (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 14. ISBN 978-0-19-005402-1.