Pierre Curie
Pierre Curie | |
|---|---|
| Kapanganakan | 15 Mayo 1859 Paris, France |
| Kamatayan | 19 Abril 1906 (edad 46) Paris, France |
| Nasyonalidad | French |
| Nagtapos | Sorbonne |
| Kilala sa | Radioactivity |
| Asawa | Marie Curie (m. 1895) |
| Anak | Irène Joliot-Curie Ève Curie |
| Parangal | Nobel Prize in Physics[a] (1903) |
| Karera sa agham | |
| Larangan | Physics |
| Doctoral student | Paul Langevin André-Louis Debierne Marguerite Catherine Perey |
Si Pierre Curie (15 Mayo 1859 – 19 Abril 1906) ay isang pisikong Pranses na tagapagsimula ng kristalograpiya, magnetismo, piezoelektrisidad at radyoaktibidad. Siya ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1903 kasama ng kanyang asawang si Marie Skłodowska Curie, at Henri Becquerel, sa pagkilala ng ng kanilang mga ekstraordinaryong paglilingkod na kanilang ginawa sa kanilang magkasanib na mga pagsasaliksik hinggil sa phenomenang radyasyon na natuklasan ni Propesor Henri Becquerel.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Curie ay isinilang sa Paris noong Mayo 15, 1859. Ang kanyang ama ay isang manggagamot. Sa kanyang tahanan, nagkaroon siya ng maagang edukasyon at pagkatapos ay nag-aral sa Sorbonne, kung saan siya nakakuha ng degri sa Pisika noong 1878. Noong 1895, nakamit niya ang pagiging Doktor ng Agham at hinirang siya na Propesor ng Pisika. Noong 1904, siya ay naging isang Ganap na Propesor.[1]
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ awarded jointly to Pierre Curie and wife Marie Curie
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pierre Curie – Biographical". nobelprize.org. Nakuha noong Oktubre 11, 2025.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.