Pumunta sa nilalaman

PubMed Central

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa PMC (identifier))

Ang  PubMed Central (PMC)  ay isang libreng dihital na repositoryo na nag-aarkibo ng mga bukas na nakukuha na buong artikulong pang-akademiko na nailathala sa mga journal ng agham pangbiyomedikal at agham-buhay. Bilang isa sa mga pangunahing database ng pananaliksik na binuo ng National Center for Biotechnology Information (NCBI o Pambansang Sentro para sa Impormasyong Bioteknolohikal), ang PubMed Central ay higit pa sa isang imbakan ng dokumento. Ang mga isinusumiteng artikulo sa PMC ay ini-indeks at ine-pormat upang magkaroon ng pinahusay na metadata, medikal na ontolohiya, at natatanging tagatukoy (identifier) na nagpapayaman sa XML na istruktura ng bawat artikulo.[1] Maaaring iugnay ang mga nilalaman ng PMC sa iba pang database ng NCBI at makukuh sa pamamagitan ng mga sistema ng paghahanap at pagkuha gaya ng Entrez, na higit pang nagpapalawak sa kakayahan ng publiko na matuklasan, mabasa, at mapaunlad ang kaalamang pangbiyomedikal.[2]

Ang PubMed Central ay kaiba sa PubMed.[3] Ang PubMed Central ay isang libreng digital na arkibo ng mga buong artikulo, na maaaring makukuha ng sinuman mula sa kahit saan gamit ang web browser (na may iba’t ibang kondisyon sa muling paggamit). Sa kabilang banda, bagaman ang PubMed ay isang nadadatabase na maaaring hanapin na binubuo ng mga sipi (citation) at buod (abstract) ng artikulo, ang buong teksto ng artikulo ay matatagpuan sa ibang lugar (maaaring naka-imprenta o online, libre man o may bayad sa pamamagitan ng suskrisyon).

Ang mga reaksyon sa PubMed Central (PMC) mula sa komunidad ng mga akademikong tagapaglathala ay nag-iiba mula sa tunay na kasabikan ng ilan,[4] hanggang sa maingat na pag-aalala ng iba.[5]

Bagaman tinatanggap ng mga tagapaglathala ng bukas na pagkuha ang PMC bilang isang mahalagang katuwang sa pagpapalawak ng pagtuklas at pagpapalaganap ng kaalamang pangbiyomedikal, may ilan ding nababahala na maaaring madala ang trapiko mula sa orihinal na inilathalang bersyon, pati na rin ang mga ekonomikong epekto ng mas mababang bilang ng mga mambabasa, at ang posibleng epekto sa pagpapanatili ng isang komunidad ng mga iskolar sa loob ng mga samahang pang-akademiko.[6][7] Isang pagsusuri noong 2013 ang nakapagtala ng malakas na ebidensya na ang mga pampublikong imbakan ng mga inilathalang artikulo ay dahilan ng "pag-akit ng malaking bilang ng mga mambabasa palayo sa mga websayt ng dyornal" at na "ang epekto ng PMC ay lumalago sa paglipas ng panahon".[7]

Pinuri ng mga aklatan, unibersidad, mga tagasuporta ng bukas na pagkuha, mga grupo para sa karapatan ng mga konsyumer sa kalusugan, at mga organisasyon para sa karapatan ng mga pasyente ang PubMed Central, at umaasa silang makabuo rin ng mga katulad na pampublikong imbakan ang iba pang mga pederal na ahensya upang malayang maibahagi ang anumang mga publikasyong pananaliksik na resulta ng suporta mula sa mga nagbabayad ng buwis.[8]

Natuklasan sa pag-aaral ni Antelman tungkol sa bukas na pagkuha na sa mga larangan ng pilosopiya, agham pampulitika, inhinyeriyang elektrikal at elektroniko, at matematika, mas malaki ang epekto sa pananaliksik ng mga bukas na pagkuha na papel.[9] Isang walang-pili (randomized) na pagsubok ang nagpakita ng pagtaas sa dami ng pag-download ng nilalaman ng mga bukas na pagkuha na papel, subalit walang kalamangan sa sitasyon kumpara sa mga suskripsyon na pagkuha isang taon pagkatapos ng paglathala.[10]

Ang patakaran ng NIH at ang gawain para sa bukas na pagkuha na imbakan ay naging inspirasyon para sa isang direktiba ng pangulo ng Estados Unidos noong 2013 na nagpasimula rin ng mga aksyon sa iba pang mga pederal na ahensya.

Noong Marso 2020, pinalakas ng PubMed Central ang proseso ng pagdedeposito para sa buong teksto ng mga publikasyon tungkol sa coronavirus. Ginawa ito ng NLM matapos ang kahilingan mula sa White House Office of Science and Technology Policy (lit. na'Tanggapan ng Puting Bahay para sa Agham at Teknolohiya') at mga internasyonal na siyentipiko upang mapabuti ang pagkuha para sa mga siyentipiko, tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan, mga inobador sa pagmimina ng datos, mga mananaliksik sa AI para sa kalusugan, at ang pangkalahatang publiko.[11]

Ang PMCID (PubMed Central identifier), na kilala rin bilang numero ng sanggunian ng PMC, ay isang bibliograpikong tagatukoy para sa bukas na pagkuha na database ng PubMed Central, katulad ng paggamit ng PMID bilang tagatukoy para sa database ng PubMed. Magkaiba ang dalawang tagatukoy na ito. Binubuo ang PMCID ng letrang “PMC” na sinusundan ng hanay ng mga numero. Ang pormat ay

  • PMCID: PMC1852221

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Beck J (2010). "Report from the Field: PubMed Central, an XML-based Archive of Life Sciences Journal Articles". Proceedings of the International Symposium on XML for the Long Haul: Issues in the Long-term Preservation of XML (sa wikang Ingles). Bol. 6. doi:10.4242/BalisageVol6.Beck01. ISBN 978-1-935958-02-4.
  2. Maloney C, Sequeira E, Kelly C, Orris R, Beck J (5 Disyembre 2013). PubMed Central (sa wikang Ingles). National Center for Biotechnology Information (US). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hulyo 2020. Nakuha noong 8 Setyembre 2017.
  3. "MEDLINE, PubMed, and PMC (PubMed Central): How are they different?". www.nlm.nih.gov (sa wikang Ingles). 9 Setyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Nobyembre 2020. Nakuha noong 29 Enero 2020.
  4. "PLOS Applauds Congress for Action on Open Access" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-07. Nakuha noong 2014-02-07.
  5. "ACS Submission to the Office of Science and Technology Policy Request for Information on Public Access to Peer-Reviewed Scholarly Publications Resulting from Federally Funded Research" (PDF). Office of Science and Technology Policy (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2017-02-13. Nakuha noong 2014-02-07 – sa pamamagitan ni/ng NARA|National Archives.
  6. Davis PM (Oktubre 2012). "The effect of public deposit of scientific articles on readership". The Physiologist (sa wikang Ingles). 55 (5): 161, 163–5. PMID 23155924.
  7. 7.0 7.1 Davis PM (Hulyo 2013). "Public accessibility of biomedical articles from PubMed Central reduces journal readership--retrospective cohort analysis". FASEB Journal (sa wikang Ingles). 27 (7): 2536–41. doi:10.1096/fj.13-229922. PMC 3688741. PMID 23554455.
  8. "Autism Speaks Announces New Policy to Give Families Easy, Free Access to Key Research Findings - Press Release - Autism Speaks". www.autismspeaks.org (sa wikang Ingles). 25 Hulyo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hunyo 2018. Nakuha noong 7 Pebrero 2014.
  9. Antelman, Kristin (2004). "Do Open-Access Articles Have a Greater Research Impact?". College & Research Libraries (sa wikang Ingles). 65 (5): 372–382. doi:10.5860/crl.65.5.372., binuod ni Stemper J, Williams K (2006). "Scholarly communication: Turning crisis into opportunity". College & Research Libraries News (sa wikang Ingles). 67 (11): 692–696. doi:10.5860/crln.67.11.7720.
  10. Davis PM, Lewenstein BV, Simon DH, Booth JG, Connolly MJ (Hulyo 2008). "Open access publishing, article downloads, and citations: randomised controlled trial". BMJ (sa wikang Ingles). 337: a568. doi:10.1136/bmj.a568. PMC 2492576. PMID 18669565.
  11. "The National Library of Medicine expands access to coronavirus literature through PubMed Central". National Institutes of Health (NIH) (sa wikang Ingles). 2020-03-25. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-12-21. Nakuha noong 2020-03-31. To support this initiative, NLM is adapting its standard procedures for depositing articles into PMC to provide greater flexibility that will ensure coronavirus research is readily available.