Pumunta sa nilalaman

JSTOR

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
JSTOR
Uri ng sayt
Aklatang dihital
Mga wikang mayroonIngles (may kasamang nilalaman sa ibang mga wika)
May-ariIthaka Harbors|Ithaka Harbors, Inc.[1]
LumikhaAndrew W. Mellon Foundation
NagtatagWilliam G. Bowen
URLjstor.org
PagrehistroOo
Nilunsad1994; 31 taon ang nakalipas (1994)
Kasalukuyang kalagayanAktibo

Ang JSTOR ( /ˈstɔːr/ JAY-stor; pinaikling Journal Storage; maaaring isalin bilang "Imbakan ng Dyornal")[2] ay isang aklatang dihital ng mga akademikong dyornal, aklat, at pangunahing sanggunian na itinatag noong 1994. Orihinal itong naglalaman ng mga nadihitalisang naunang isyu ng mga akademikong dyornal, subalit sa kasalukuyan ay sumasaklaw na rin sa mga aklat at iba pang pangunahing sanggunian pati na rin ang mga kasalukuyang isyu ng dyornal sa mga humanidades at araling panlipunan. Nagbibigay ito ng kakayahang magsagawa ng buong-tekstong paghahanap sa halos 2,000 dyornal. Karamihan sa pag-akses nito ay sa pamamagitan ng suskripsiyon subalit ang ilang bahagi ng sayt ay nasa pampublikong dominyo, at ang bukas-akses na nilalaman ay magagamit nang walang bayad.[3] Ang JSTOR ay bahagi ng Ithaka Harbors, Inc., isang di-kumitikang institusyong Amerikano na naglalaan ng aklatang dihital at mga kasangkapan sa pag-aaral para sa akademya.[4]

Ang nilalaman ng JSTOR ay ibinibigay ng higit sa 900 tagapaglathala.[5] Ang database ay naglalaman ng higit sa 12 milyong artikulong dyornal, sa higit sa 75 disiplina.[6] Ang bawat bagay ay natatanging kinilala ng isang buumbilang na halaga, simula sa 1, na ginagamit upang makabuo ng matatag na URL.[7]

Bilang karagdagan sa pangunahing sayt, ang pangkat na JSTOR Labs ay nagpapatakbo ng isang bukas na serbisyo na nagbibigay-daan sa pagkuha sa nilalaman ng mga arkibo para sa layunin ng pagsusuri ng corpus sa kanilang Data for Research (Datos para sa Pananaliksik) na serbisyo.[8] Nag-aalok ang site na ito ng pasilidad sa paghahanap na may grapikong indikasyon ng saklaw ng artikulo at bahagyang integrasyon sa pangunahing sayt ng JSTOR. Maaaring lumikha ang mga gumagamit ng mga piling pangkat ng artikulo at pagkatapos ay humiling ng dataset (o pangkat ng datos) na naglalaman ng dalas ng mga salita at n-grama pati na rin ang pangunahing metadatos. Sila ay bibigyan ng abiso kapag handa na ang dataset at maaari nila itong i-download bilang XML o CSV na pormat.

Ang JSTOR ay pangunahing lisensyado sa mga akademikong institusyon, pampublikong aklatan, institusyong pananaliksik, museo, at paaralan. Higit sa 7,000 institusyon sa higit sa 150 bansa ang puwedeng mag-akses.[9] Ang JSTOR ay nagpapatakbo ng isang programang pampiloto na nagbibigay-daan sa mga institusyong may subskipsyon na pahintulutan ang kanilang mga alumni na magkaroon ng akses, bukod sa kasalukuyang mga mag-aaral at kawani. Ang Alumni Access Program ay opisyal na inilunsad noong Enero 2013.[10] Ang indibiduwal na subskipsyon ay magagamit din para sa ilang pamagat ng dyornal sa pamamagitan ng tagapaglathala ng dyornal.[11] Bawat taon, pinipigilan ng JSTOR ang 150 milyong pagtatangka ng mga hindi nakasubskipsyon na basahin ang mga artikulo.[12]

May mga katanungan na ginawa tungkol sa posibilidad na gawing bukas ang pagkuha sa JSTOR. Ayon kay propesor ng batas sa Harvard na si Lawrence Lessig, tinanong ang JSTOR, "Magkano ang gagastusin para maaaring makuha ito ng buong mundo? Ano ang ibabayad namin sa inyo?", at iniulat na sumagot sila ng halagang $250 milyon.[13]

Noong 2012, ang mga gumagamit ng JSTOR ay nagsagawa ng halos 152 milyong paghahanap, na may higit sa 113 milyong pagtingin sa artikulo at 73.5 milyong pag-download ng artikulo.[14] Ginamit ang JSTOR bilang isang sanggunian para sa pananaliksik sa lingguwistika upang siyasatin ang mga uso sa paggamit ng wika sa paglipas ng panahon at upang suriin din ang mga pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian sa akademikong paglathala, na nagpapakita na sa ilang larangan, nangingibabaw ang mga lalaki sa unang prestihiyoso at huling posisyon ng may-akda at na ang mga babae ay malinaw na kulang bilang mga may-akda ng mga papel na isinulat ng isa lamang.[15][16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "About" [Patungkol]. Ithaka. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 30, 2012. Nakuha noong Oktubre 25, 2009.
  2. Douglas F. Morgan; Marcus D. Ingle; Craig W. Shinn (September 3, 2018). New Public Leadership: Making a Difference from Where We Sit. Routledge. p. 82. ISBN 9780429832918. Inarkibo mula sa orihinal noong August 3, 2020. Nakuha noong June 3, 2020. JSTOR means journal storage, which is an online service created in 1994 to provide electronic access to an extensive array of academic journals.
  3. "Register and read beta" [Magrehistro at magbasa ng beta] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2013. Nakuha noong Enero 14, 2013.
  4. "About: Mission and history" [Patungkol: Misyon at kasaysayan] (sa wikang Ingles). JSTOR. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 29, 2022. Nakuha noong 29 Disyembre 2022.
  5. "Annual Summary" (PDF). JSTOR (sa wikang Ingles). Marso 19, 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Nobyembre 11, 2013. Nakuha noong Abril 13, 2013.
  6. "About: Mission and history" (sa wikang Ingles). JSTOR. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 29, 2022. Nakuha noong 29 Disyembre 2022.
  7. "Citation Management: Permanently Linking to Content on JSTOR" (sa wikang Ingles). JSTOR. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 9, 2021. Nakuha noong 2021-10-09.
  8. Data for Research Naka-arkibo 2011-09-02 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  9. "Register and read beta" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2013. Nakuha noong Enero 14, 2013.
  10. "Access for alumni" (sa wikang Ingles). JSTOR. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 30, 2012. Nakuha noong Disyembre 1, 2012.
  11. "Individual subscriptions" (sa wikang Ingles). JSTOR. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 8, 2012. Nakuha noong Disyembre 1, 2012.
  12. Every Year, JSTOR Turns Away 150 Million Attempts to Read Journal Articles Naka-arkibo 2016-11-16 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  13. Lessig on "Aaron's Laws—Law and Justice in a Digital Age" Naka-arkibo 2013-03-24 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  14. "Annual Summary" (PDF). JSTOR (sa wikang Ingles). Marso 19, 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Nobyembre 11, 2013. Nakuha noong Abril 13, 2013.
  15. Wilson, Robin (Oktubre 22, 2012). "Scholarly Publishing's Gender Gap". The Chronicle of Higher Education (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2015. Nakuha noong Enero 6, 2015.
  16. West, Jevin D.; Jacquet, Jennifer; King, Molly M.; Correll, Shelley J.; Bergstrom, Carl T. (Hulyo 22, 2013). "The Role of Gender in Scholarly Authorship". PLOS ONE (sa wikang Ingles). 8 (7). arXiv:1211.1759. Bibcode:2013PLoSO...866212W. doi:10.1371/journal.pone.0066212. PMC 3718784. PMID 23894278.