Pumunta sa nilalaman

Baha

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Baha sa Alicante (Espanya), 1997.
Baha sa bayan ng Gandara, Samar, 2018.

Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig (o paminsan-minsan ng ibang likido) na lumulubog sa lupaing karaniwang tuyo.[1] Sa diwa ng "umaagos na tubig", maaaring ilapat ang salita sa pag-agos ng tubig-dagat tuwing pagtaas ng alon. Ang mga baha ay pangunahing pinoproblema sa larangan ng agrikultura, inhenyeriyang sibil, at pampublikong kalusugan. Ang mga pagbabago ng tao sa kapaligiran ay kadalasang nagpapataas sa tindi at dalas ng pagbaha. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbabago sa paggamit ng lupa gaya ng pagkalbo ng kagubatan at pagsasailalim ng mga latian, at mga pagbabago sa daloy ng tubig o mga kontrol sa baha tulad ng pagtatayo ng mga puying. May impluwensiya rin ang mga pandaigdigang suliranin sa kalikasan sa mga sanhi ng pagbaha, lalo na ang pagbabago ng klima na nagpapaintindi sa ikot ng tubig at nagpapataas ng lebel ng dagat.[2]:1517 Halimbawa, pinapadalas at pinapalala ng pagbabago ng klima ang mga matitinding kaganapan sa panahon.[3] Humahantong ito sa mas matitinding pagbaha at mas mataas na panganib ng pagbabaha.[4]

Maaaring makapinsala sa ari-arian ang pagbaha at magdulot din ng mga pangalawang epekto. Kabilang sa mga ito sa maikling panahon ang pagtaas ng pagkalat ng mga sakit na dala ng tubig at ng mga bektor, gaya ng mga sakit na ikinakalat ng lamok. Maaari rin itong humantong sa pangmatagalang paglilipat ng mga residente.[5] Ang pagbaha ay isa sa mga pinag-aaralang paksa sa larangan ng hidrolohiya at inhenyeriyang hidrauliko.

Malaking bahagi ng populasyon ng mundo ang nakatira malapit sa mga pangunahing baybayin,[6] habang maraming malalaking lungsod at lugar na pansakahan ay nasa tabi ng mga ilug-ilugan.[7] Malaki ang panganib ng pagtaas ng pagbaha sa mga baybaying-dagat at ilug-ilugan dulot ng nagbabagong mga kondisyon ng klima.[8]

Tinatalakay Ang Baha, ang dakilang Unibersal na Delubyo ng mitolohiya o marahil ng kasaysayan, sa Delubyo sa mitolohiya o ang Malaking Baha noong panahon ni Noe.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. MSN Encarta Dictionary, Flood Naka-arkibo 2011-02-04 sa Wayback Machine., Nakuha noong 2006-12-28, sa 2009-10-31
  2. Seneviratne, S.I.; Zhang, X.; Adnan, M.; Badi, W.; Dereczynski, C.; Di Luca, A.; Ghosh, S.; Iskandar, I.; Kossin, J.; Lewis, S.; Otto, F.; Pinto, I.; Satoh, M.; Vicente-Serrano, S.M.; Wehner, M.; Zhou, B. (2021). "Chapter 11: Weather and Climate Extreme Events in a Changing Climate" [Kabanata 11: Matitinding Kaganapan sa Panahon at Klima sa Nagbabagong Klima] (PDF). Mula sa Masson-Delmotte, V.; Zhai, P.; Pirani, A.; Connors, S.L.; Péan, C.; Berger, S.; Caud, N.; Chen, L.; Gomis, M.I.; Huang, M.; Leitzell, K.; Lonnoy, E.; Matthews, J.B.R.; Maycock, T.K.; Waterfield, T.; Yelekçi, O.; Yu, R.; Zhou, B. (mga pat.). Climate Change 2021: The Physical Science Basis. Contribution of Working Group I to the Six Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change [Pagbabago ng Klima 2021: Batayang Agham Pisikal. Ambag ng Working Group I sa Ikaanim na Ulat-Pagtatasa ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC)] (Ulat) (sa wikang Ingles). Cambridge: Palimbagan ng Unibersidad ng Cambridge. pp. 1513–1766. doi:10.1017/9781009157896.013.
  3. Attribution of Extreme Weather Events in the Context of Climate Change [Pagpapatungkol ng Mga Matitinding Kaganapan sa Panahon sa Konteksto ng Pagbabago ng Klima] (Ulat) (sa wikang Ingles). Washington, DC: The National Academies Press. 2016. pp. 127–136. doi:10.17226/21852. ISBN 978-0-309-38094-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-15. Nakuha noong 2020-02-22.
  4. Hirabayashi, Yukiko; Mahendran, Roobavannan; Koirala, Sujan; Konoshima, Lisako; Yamazaki, Dai; Watanabe, Satoshi; Kim, Hyungjun; Kanae, Shinjiro (Setyembre 2013). "Global flood risk under climate change" [Pangkalahatang panganib ng pagbabaha sa ilalim ng pagbabago ng klima]. Nature Climate Change (sa wikang Ingles). 3 (9): 816–821. Bibcode:2013NatCC...3..816H. doi:10.1038/nclimate1911. ISSN 1758-6798.
  5. "WHO | Flooding and communicable diseases fact sheet" [WHO | Fact sheet ukol sa pagbaha at mga nakakahawang sakit]. WHO (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 31, 2004. Nakuha noong 2021-03-28.
  6. Neumann, Barbara; Vafeidis, Athanasios T.; Zimmermann, Juliane; Nicholls, Robert J. (2015-03-11). "Future Coastal Population Growth and Exposure to Sea-Level Rise and Coastal Flooding - A Global Assessment" [Hinaharap na Paglaki ng Populasyon sa mga Baybaying Lugar at Pagkakalantad sa Pagtaas ng Antas ng Dagat at Baha sa Baybayin - Isang Pandaigdigang Pagtatasa]. PLOS ONE (sa wikang Ingles). 10 (3): e0118571. Bibcode:2015PLoSO..1018571N. doi:10.1371/journal.pone.0118571. ISSN 1932-6203. PMC 4367969. PMID 25760037.
  7. "Flood Risk Management in Canada | Research report" [Pamamahala ng Panganib sa Baha sa Kanada | Ulat ng pananaliksik]. Geneva Association (sa wikang Ingles). 2020-11-24. Nakuha noong 2021-10-29.
  8. Dieperink, C.; Hegger, D. L. T.; Bakker, M. H. N.; Kundzewicz, Z. W.; Green, C.; Driessen, P. P. J. (2016-10-01). "Recurrent Governance Challenges in the Implementation and Alignment of Flood Risk Management Strategies: a Review" [Paulit-ulit na Hamon sa Pamamahala sa Pagpapatupad at Pagkakahanay ng mga Istratehiya sa Pamamahala ng Panganib sa Baha: Isang Pagsusuri]. Water Resources Management (sa wikang Ingles). 30 (13): 4467–4481. Bibcode:2016WatRM..30.4467D. doi:10.1007/s11269-016-1491-7. ISSN 1573-1650. S2CID 54676896.
  9. Gaboy, Luciano L. Deluge - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Kawil panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]